Mobirise Web Page Generator

15TH STRIKE WING
FLIGHT PLAN 2028

STRATCOM

Stratcom Video Challenge

PAF FLIGHT PLAN 2028

Frequently Asked Questions

1. What is the PAF Flight Plan 2028?

The PAF Flight Plan 2028 is a 14-year strategic plan similar to the Transformation Roadmaps that are being advocated by the AFP and other Major Services. Created in 2014, the plan provides interventions which are both characterized as positive reinforcements and value added. More importantly, it highlights the commitment of the PAF to pursue genuine reforms founded on good governance and performance excellence.

1. Ano ang PAF Flight Plan 2028?

Ang PAF Flight Plan 2028 ay isang 14 na taong estratehikong plano kahalintulad ng mga Transformation Roadmap na tinataguyod ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas at iba pang Major Services. Ginawa noong 2014, ang plano ay minimithing magpatatag sa PAF sa pamamagitan ng pag-angkop ng dagdag na kakayahan. Ang Flight Plan ay binibigyang diin ang commitment ng Hukbong Himpapawid ng Pilipinas na isulong ang tunay na reporma na nagsusulong ng matuwid at maayos na pamumuno sa pamamalakad.


2. What is the Institute for Solidarity in Asia (ISA)?

The institute for Solidarity in Asia (ISA) is the partner organization of the PAF in the development of the Flight Plan. It was founded in December 2000 by a group of fellows headed by Dr. Jesus P. Estanislao. It is a non-government organization that advocates good governance as a shared responsibility. The ISA utilizes the Performance Governance System Framework in both private institutions and national and local government agencies.

2. Ano ang Institute for Solidarity in Asia (ISA)?

Ang Institute for Solidarity in Asia (ISA) ay ang katuwang na organisasyon ng PAF sa pagpapalakad ng Flight Plan. Ito ay itinatag noong Disyembre 2000 sa pamumuno ni Dr. Jesus P. Estanislao. Ito ay isang pribadong organisasyon na nag-aadhika ng matuwid at maayos na pamumuno sa lahat ng sangay ng pamahalaan. Ito ay naisasakatuparan sa pamamagitan ng Performance Governance System na ISA ang may likha. Ginagamit ng ISA ang Performance Governance System Framework sa mga pribadong institusyon at pambansa at lokal na sangay ng gobyerno.


3. What is a Balanced Scorecard?

The Balanced Scorecard is a system used to align the activities of the PAF to its vision and strategy. It is a management tool used to measure the achievement or progress of a unit or an individual towards a particular goal. In the context of the Flight Plan, the Balanced Scorecard contains targets and measures set to achieve each strategic objective.

3. Ano ang Balanced Scorecard?

Ang Balanced Scorecard ay isang sistema na ang layunin ay maitugma ang mga gawain ng organisasyon sa kanyang “Vision” at estratehiya. Ito ay isang kasangkapang pamamahala na ginagamit para sukatin ang nararating o progreso ng isang yunit o isang indibidwal patungo sa partikular na layunin. Sa konteksto ng Flight Plan, ang Balanced Scorecard ay naglalaman ng mga tudlaan (target) at sukat na itinakda para makamit ang bawat estratehiyong layunin.


4. What is the Performance Governance System (PGS)?

ISA utilizes the Performance Governance System (PGS), an organizational transformation framework patterned after the Balanced Scorecard System of David Norton and Robert Kaplan of the Harvard Business School. The PGS subjects the ISA partner organization to undergo the four stages of the PGS: Initiation, Compliance, Proficiency, and Institutionalization. Each stage prompts the partner organization to create governance mechanisms that ensure the sustainment of the transformation roadmap.

4. Ano ang Performance Governance System (PGS)?

Ang ISA ay gumagamit ng Performance Governance System (PGS). Ito ay hango sa Balanced Scorecard System nila David Norton at Robert Kaplan ng Harvard Business School. Ang PGS ay may apat na yugto: Initiation, Compliance, Proficiency, at Institutionalization. Ang bawat bahagi ay nagtatakda sa kabahaging organisasyon na gumawa ng mekanismong pamamahala na magsisiguro ng pagpapatuloy ng adhikaing pagbabago.


5. What is the Initiation Stage?

The initiation Stage is the first stage of the PGS Framework. During this stage, the organization is tasked to create the fundamental tools needed to create the strategy: the Governance Charter, the Strategic Change Agenda, the Strategy Map, and the Enterprise Scorecard.

5. Ano ang Initiation Stage?

Ang Initiation Stage ay ang unang yugto ng PGS Framework. Sa yugtong ito, ang organisasyon ay inaatasan na gumawa ng kasangkapang pambatayan (fundamental tools) na kailangan para gumawa ng estratehiya: ang Governance Charter, ang Strategic Change Agenda, ang Strategy Map, at ang Enterprise Scorecard.


6. What is the Compliance Stage?

The Compliance Stage is the second stage of the PGS wherein the strategy is planned and initially executed through the formulation of Execution Plans. This also involves the creation of the Air Force Strategy Management Office (AFSMO), Project Management Teams (PMT), and the Multi-Sector Governance Council (MSGC) which will oversee the planning and the execution of various strategies relative to the objectives found in the strategy map.

6. Ano ang Compliance Stage?

Ang Compliance Stage ay ang pangalawang yugto ng PGS kung saan ang estratehiya ay pinaplano at pangunahing ipinapatupad sa pamamagitan ng pagbuo ng Execution Plans. Dito rin nagkatakda ang pagbuo ng Air Force Strategy Management Office (AFSMO), Project Management Teams (PMT), at Multi-Sector Governance Council (MSGC) na mangngasiwa ng pagpaplano at pagpapatupad ng iba’t-ibang estratehiyang kaugnay ng mga layunin na makikita sa strategy map.


7. What is the Proficiency Stage?

The Proficiency Stage is the third stage of the PGS Framework wherein the earlier established governance mechanisms, such as scorecards, the AFSMO, PMT, and the MSGC, must become functional. Execution Plans must be cascaded down to the unit level to facilitate the creation of unit scorecards. During this level, cascading of the Flight Plan to both internal and external stakeholders of the organization must also be ensured. Lastly, the plan should be mainstreamed in the inherent processes of the organization to guide the leadership team in decision making, resulting to emerging breakthroughs.

7. Ano ang Proficiency Stage?

Ang Proficiency Stage ay ang pangatlong yugto ng PGS Framework kung saan ang mga ginawang mekanismong pamamahala, tulad ng scorecards, ang AFSMO, PMT, at ang MSGC, ay dapat nang gumagana. Ang mga Execution Plans ay dapat maiparating pababa sa antas ng mga yunit para magbigay-daan sa paggawa ng unit scorecards. Sa antas na ito, ang pagpapalaganap ng Flight Plan sa panloob at panlabas na stakeholders ng organisasyon ay dapat na masigurado. Sa yugtong ito, ang plano ay dapat na maisama sa mga likas na proseso ng organisasyon upang patnubayan ang pamunuan sa paggawa ng desisyon na magreresulta na makamit ang breakthrough ng Flight Plan.


8. What is the Institutionalization Stage?

The Institutionalization Stage is the fourth stage of the PGS Framework. It underscores a robust system reinforced by a well executed strategic plan that will help the PAF achieve a level of absorptive capacity that will sustain all organizational undertakings.

8. Ano ang Institutionalization Stage?

Ang Institutionalization Stage ay ang pang-apat na yugto ng PGS Framework. Ito ay binubuo ng isang maayos na sistema na pinapalakad ng isang epektibong estratehikong plano na tutulungan ang PAF na makamit ang kapasidad na sapat upang hindi lamang magpatuloy ang mga gawain ng organisasyon kung hindi ay maging mas matatag ito.


9. What is the Strategic Change Agenda?

The Strategic Change Agenda is one of the foundations in the development of the PAF Flight Plan. The Agenda determines the key result areas which captures what the Philippine Air Force is at the present and what the organization should be after the transformation.

9. Ano ang Strategic Change Agenda?

Ang Strategic Change Agenda ay isa sa mga basehan sa pagbuo ng PAF Flight Plan. Ang Agenda ay nagtatakda ng mga key result areas na naglalarawan kung ano ang Hukbong Himpapawid sa kasalukuyan at ano dapat ang organisasyon pagkatapos ng pagbabago.


10. What are the key result areas of the Flight Plan Strategic Change Agenda?

The Strategic Change Agenda contains 12 Key Result Areas: Focus, Capability, Organization, Equipment, Training, Bases, Human Resource, Doctrine, Support System, Research and Development, Organizational Culture, and Funding.

10. Ano ang key result areas ng Flight Plan Strategic Change Agenda?

Ang Strategic Change Agenda ay naglalaman ng 12 Key Result Areas: Focus, Capability, Organization, Equipment, Training, Bases, Human Resource, Doctrine, Support System, Research and Development, Organizational Culture, and Funding.


11. What is the Strategy Map?

The Strategy Map encapsulates the strategy through a visual representation. The map contains the key elements of the strategy and is used to summarize the Flight Plan for quick reference.

11. Ano ang Strategy Map?

Ang Strategy Map ay naglalarawan ng estratehiya sa pamamagitan ng biswal na representasyon. Ang mapa ay naglalaman ng mahalagang elemento ng estratehiya at ginagamit upang ang Flight Plan ay maipakita sa isang buod tungo sa madaling pagkakaintindi nito.


12. What are the key elements of the PAF Flight Plan 2028?

The key elements of the Flight Plan are the following: Governance Charter; Breakthrough Goals; and the eight (8) Strategic Objectives which consist of three (3) core processes and five (5) support processes. Unit Flight Plans have six (6) support processes.

12. Ano ang mga mahahalagang element ng PAF Flight Plan 2028?

Ang mahahalagang elemento ng Flight Plan ay ang mga sumusunod: ang Governance Charter; Breakthrough Goals; at ang walong (8) Strategic Objectives na binubuo ng tatlong (3) core processes at limang (5) support processes. Ang mga Unit Flight Plan ay may anim (6) na support processes.


13. What is a Governance Charter?

The Governance Charter is another foundation of the strategy. It contains the organization’s vision statement, mission statement, and core values. This establishes the direction of the organization and will become basis for the creation of a Breakthrough Goal.

13. Ano ang Governance Charter?

Ang Governance Charter ay isa pang pundasyon ng estratehiya. Ito ay naglalaman ng vision statement, mission statement, at core values ng organisasyon. Ito ay nagtatakda ng direksyon ng organisasyon at basehan sa paggawa ng Breakthrough Goal.


14. What is the Breakthrough Goal?

The Breakthrough Goal is the translation of the organization’s Vision. It materializes the Vision statement into a tangible, measurable, and time-bound goal.

The Breakthrough Goal of the PAF is to “Build capability to detect, identify, intercept, and neutralize intrusions in the PADIZ and West PH Sea from Area Readiness 4 to 3 by 2022 and the entire PH territory from Area Readiness 3 to 1 by 2028.” The breakthrough goal can categorically be identified as Territorial Defense (TD) in character.

14. Ano ang Breakthrough Goal?

Ang Breakthrough Goal ay ang pagsasalin ng Vision ng organisasyon upang ang mithiin ng organisasyon ay maisalim sa isang porma na madaling masukat at mailahad ang tamang panahon na makakamit ang layunin.

Ang Breakthrough Goal ng PAF ay ang “Pagbuo ng kapasidad na makita, makilala, maharang, at maiwasan ang mga pangahas na pagpasok sa PADIZ at West PH Sea mula sa Area Readiness 4 patungong 3 sa 2022 at sa buong territory ng Pilipinas mula Area Readiness 3 patungong 1 sa 2028.” Ang PAF Breakthrough Goal ay maaring taguriang bilang aktibidad sa ilalim ng Tanggulang Pangteritoryo (Territorial Defense).


15. What is the PADIZ?

PADIZ is the acronym for the Philippine Air Defense Identification Zone. PADIZ is an internationally recognized air domain territory that is well founded on the Flight Information Publication (FLIP) used by international pilots. Aircraft flying through an ADIZ provide identification instruments either through radio communication, transponder or logo. The identification normally includes a declaration of intent and Flight Plan to the host country. Defensive measures are undertaken whenever failure to cooperate occurs.

15. Ano ang PADIZ?

Ang PADIZ ay nangangahulugang Philippine Air Defense Identification Zone. Ito ay isang air domain territory na base sa Flight Information Publication (FLIP) na ginagamit ng mga piloto. Ang isang aircraft na lumilipad sa isang ADIZ ay kailangang magbigay ng mga kaparaanang pagkakakilanlan sa pamamagitan ng komunikasyon sa radyo, transponder, o logo. Ang pagkakakilanlan ay kadalasang may kasamang deklarasyon ng gusting gawing (declaration of intent) at Flight Plan sa bansang liliparan. May mga hakbang pangdepensa ang gagawin sa mga pagkakataong hindi makikipagtulungan ang isang lumilipad sa PADIZ.


16. Why give premium to Territorial Defense (TD) Capability?

This is the result of a collaborative and extensive strategy formulation. More so, the capability to project a good sense of airpower has not been the characteristic of the PAF. TD which was primarily anchored on Fighter Operations allows the projection of force consistent with the PAF role in the preservation of our national sovereignty. Hence, to become a truly relevant and effective PAF organization, the ability to conduct TD should be part of the overarching equation for capability development.

16. Bakit mahalaga ang kapasidad sa Tanggulang Pangteritoryo (Territorial Defense)?

Ito ay resulta ng kolaborasyon at malawakang pagbuo ng estratehiya. Ang kapasidad na magpakita ng sapat na lakas panghimpapawid (airpower) ay hindi pa nararating ng PAF. Ang Tanggulang Pangteritoryo (Territorial Defense), na pangunahing naka-angkla sa Fighter Operations, na nagpapahintulot na magpakita ng lakas na naaayon sa tungkulin ng PAF sa pag-iingat ng pambansang soberenya (national sovereignty). Kaya para maging tunay na makabuluhan at epektibo ang organisasyon ng PAF, ang abilidad na magpatupad ng Tanggulang Pangteritoryo ay dapat na maging bahagi ng pangkalahatang plano para makamit ang nararapat na lebel ng lakas panghimpapawid (capacity development).


17. What are the waypoints of the PAF Flight Plan 2028?

Waypoints can be likened to a checkpoint. It signifies a particular target timeline whereby the accumulated accomplishments are assessed if it moved the organization to the desired state as planned. The breakthrough goal has two (2) waypoints - first is 2022 and second is 2028.

Alternatively, in terms of the procurement timelines, Area Readiness 4 is considered as the capability projected by PAF given all the present platforms, systems, and doctrines in place. Area Readiness 3 is when all planned acquisitions by year 2022 are realized with all the systems and doctrines in place. Area Readiness 1 will be when all planned acquisitions by year 2028 with the corresponding systems and doctrines required had been realized.

17. Ano ang mga waypoint ng PAF Flight Plan 2028?

Ang mga waypoint ay maaring mahintulad sa isang checkpoint. Ito ay nagtatakda ng partikular na tudlaan (target) kung saan ang mga pinagtipong nagagawa ay tinitingnan kung ito ay nagdala sa organisasyon sa itinakdang layunin ayon sa plano. Ang breakthrough goal ay may dalawang (2) waypoints – una sa taong 2022 at pangalawa sa taong 2028.

Maari ring sukatin ang Area Readiness base sa pagsating ng mga kagamitang panghimpapawid. Ang Area Readiness 4 ay katumbas ng kapasidad na ipinapakita ng PAF sa pamamagitan ng kasalukuyang kagamitan, sistema at doktrina. Ang Area Readiness 3 ay kung ang mga naplanong acquisitions sa taong 2022 ay naisagawa kasama ng mga sistema at doktrinang nabuo. Ang Area Readiness 1 ay kung ang mga

naplanong acquisitions sa taong 2028 kasama ng mga sistema at doktrina na kinakailangan ay nagawa.


18. How is Area Readiness interpreted as used in the Breakthrough Goal?

For uniform interpretation, Area Readiness pertains to the level of TD capability that the PAF can project. For Area Readiness 4, it shall be the capability to cover up to 50%, Area Readiness 3 is the capability to cover 51% up to 74%, Area Readiness 2 is the capability to cover 75% up to 84%, while Area Readiness 1 will be the capability to cover 85% up to 100% of the Philippine Territory.

18. Paano itinatakda ang Area Readiness sa pagkagamit nito sa Breakthrough Goal?

Ang Area Readiness ay tumutukoy sa lebel ng kapasidad sa pagpapasulong ng Territorial Defense na maaring maipakita ng PAF. Para sa Area Readiness 4, ito ang kapasidad na magampanang mabuti ang TD hanggang 50%, para sa Area Readiness 3 ay 51% hanggang 74%, para sa Area Readiness 2 ay 75% hanggang 84%, habang ang Area Readiness 1 ay ang kapasidad mula 85% hanggang 100% ng teritoryo ng Pilipinas.


19. What are the Strategic Objectives of the Flight Plan?

The Strategic Objectives of the Flight Plan are the identified areas of organizational undertaking which bear significant contributions in the accomplishment of the Breakthrough Goal of the PAF. These objectives are the following: Organization, Training, Equipment (Core Processes); Human Resource, Doctrines, Base Support, Values, and Budget (Support Processes). Strategic Communication and Stakeholder Support is an added Support Process which resulted from Standardized Unit Flight Plans.

19. Ano ang mga Strategic Objectives ng Flight Plan?

Ang Strategic Objectives ng Flight Plan ay ang mga natukoy na gawaing pang-organisasyon na may makabuluhang kontribusyon sa pagkamit ng Breakthrough Goal ng PAF. Ito ay ang mga sumusunod: Organization, Training, Equipment (Core Processes); Human Resource, Doctrines, Base Support, Values, and Budget (Support Processes). Ang Strategic Communication and Stakeholder Support ay isang dagdag na Support Process na galing mula sa Standardized Unit Flight Plans.


20. What is an Execution Plan?

An Execution Plan is a strategy management document that is used to track the progress of annual targets found in the scorecard. This provides specific details on what activities are conducted to achieve the set annual goal for each Strategic Objective.

20. Ano ang Execution Plan?

Ang Execution Plan ay isang dokumento ng pamamahala ng estratehiya na ginagamit para masundan ang progreso ng mga taunang layunin na makikita sa scorecard. Ito ay naglalaman ng mga tiyak na detalye ng mga aktibidad na ginawa para makamit ang nakatakdang taunang layunin para sa bawat Strategic Objective.


21. What is the Air Force Strategy Management Office (AFSMO)?

The Air Force Strategy Management Office (AFSMO) is the personal staff of the Commanding General, PAF primarily responsible in overseeing the implementation of the Flight Plan. The office ensures that all units have correctly complied with Flight Plan requirements.

21. Ano ang Air Force Strategy Management Office (AFSMO)?

Ang Air Force Strategy Management Office (AFSMO) ay ang Personal Staff ng Commanding General, PAF na responsable sa pangangasiwa at pagpapalakad ng Flight Plan. Tinitiyak ng AFSMO na ang lahat ay tamang sumusunod sa mga kinakailangan ng Flight Plan at sa tamang pamamalakad nito.


22. What is the PAF Flight Plan 2028 Technical Working Group (TWG)?

The TWG is a committee composed of representatives from all the Headquarters PAF (HPAF) Staffs, Functional Staffs, and selected Special Staffs. The TWG is primarily responsible in the conceptualization of strategies as well as its proper execution. Members of the TWG likewise act as process coaches to the eight (8) Project Management Teams (PMTs). The TWG, upon the completion of the Proficiency Stage, will be renamed as the Air Force Strategy Management Council. This is part of the gradual institutionalization of the Flight Plan.

22. Ano ang PAF Flight Plan 2028 Technical Working Group (TWG)?

Ang TWG ay isang komite na binubuo ng mga kinatawan mula sa lahat ng Headquarters PAF (HPAF) Staff, Functional Staff, at piling Special Staff. Ang TWG ay pangunahing responsible sa pagbuo ng mga konsepto ng estratehiya maging ang kanilang tamang pagpapatupad. Ang mga miyembro ng TWG ay umaaktong process coaches sa walong (8) Project Management Teams (PMTs). Ang TWG, sa pagtatapos ng Proficiency Stage, ay papangalanang bilang Air Force Strategy Management Council. Ito ay bahagi ng institusyonalisasyon ng Flight Plan.


23. What is a Project Management Team (PMT)?

The Project Management Teams are focal groups responsible for tracking the progress of the Strategic Objectives. Each Strategic Objective has a corresponding PMT. Membership is identified based on their position in the organization.

23. Ano ang Project Management Team (PMT)?

Ang mga Project Management Team ay grupong responsable sa pagsubaybay ng progreso ng Strategic Objectives. Ang bawat Strategic Objective ay may karampatang PMT. Ang mga miyembro ng PMT ay pnili base sa kanilang katungkulan sa organisasyon.


24. What are the deliverables of the PMTs?

PMTs are tasked to develop annual Execution Plans for their respective Strategic Objectives. In addition to this, PMTs must regularly meet to give status reports or updates on their respective deliverables or commitments.

24. Ano ang mga naatasang katungkulan ng mga PMT?

Ang mga PMT ay inatasang bumuo ng mga taunang Execution Plans para sa kanilang Strategic Objectives. Ang mga PMT ay dapat ding regular na magpulong para magbigay ng mga status report o updates sa kanilang mga naatasang katungkulan.


25. What is the PAF Multi-Sector Governance Council (MSGC)?

The PAF MSGC is an external advisory board composed of leaders representing the diverse stakeholder groups of the institution. The council is tasked to provide expert advice on issues concerning the Flight Plan and to the sustainability and continuity of the PAF Flight Plan 2028. The council contains four (4) Committees: Governance and Policy, Resource Planning and Generation, Strategic Communication and Advocacy, and Strategy Assessment and Review.

25. Ano ang PAF Multi-Sector Governance Council (MSGC)?

Ang PAF MSGC ay isang advisory board na binubuo ng mga lider na kumakatawan sa iba’t-ibang grupo at sector ng lipunan. Ang MSGC ay inatasang magbigay ng ekspertong payo sa mga isyung may kinalaman sa Flight Plan at sa pagpapaptuloy ng PAF Flight Plan 2028. Ang MSGC ay may apat (4) na Komite: Governance and Policy, Resource Planning and Generation, Strategic Communication and Advocacy, and Strategy Assessment and Review.


26. Who are the members of the PAF MSGC?

The members of the MSGC are professionals in various fields of endeavour that have been selected by the PAF. In particular, the nature of work and expertise are found to be highly contributory to the objectives identified in the Flight Plan.

26. Sino ang mga miyembro ng PAF MSGC?

Ang mga miyembro ng MSGC ay mga propesyonal sa iba’t-ibang larangan ng lipunan. Ang kanilang pagkakatalaga ay base sa uri ng trabaho at kahusayan. inaasam na malaki ang maitutulong sa mga layuning nakaakibat sa Flight Plan.


27. What is a Strategic Communication Plan?

The Strategic Communication (StratCom) Plan is an organizational intervention which allows the PAF to communicate both the plan and its results to its internal and external stakeholders to generate feedback and support.

27. Ano ang Strategic Communication Plan?

Ang Strategic Communication (StratCom) Plan ay isang pamamaraan na nabuo na magpapahintulot sa PAF na maipahayag ang plano at ang mga resulta nito sa lahat ng stakeholders upang makakuha ng feedback at suporta.


28. What is the difference between a Modernization Plan and a Flight Plan?

A Modernization Plan is a statute that by operation of law the organization must follow. The Flight Plan is an organizational commitment for transformation. The Flight Plan took cognizance of the vision and mission of the organization first and devised strategies which would align all activities towards its mandate within the ambit of good governance and accountability.

28. Ano ang pagkakaiba ng Modernization Plan at ng Flight Plan?

Ang Modernization Plan ay isang batas na kinakailangang sundin ng isang organisasyon. Ang Flight Plan ay isang adbokasiya kung saan ang lahat sa organisasyon ay magkaroon ng “commitment” para sa transpormasyon at pagbabago. Ang Flight Plan ay ginagamit ang “Vision” at misyon ng organisasyon na basehan sa paggawang mga estratehiya upang maitugma ang lahat ng aktibidad ayon sa mandato na sumasaklaw sa mabuting pamamahala at pananagutan.


29. How is the Flight Plan aligned with the Armed Forces of the Philippines Transformation Roadmap (AFPTR)?

The Flight Plan breakthrough goal is aligned with the constituency perspective or outcome objective of the AFPTR that is “Capable of securing the country from aggression or invasion.” The Flight Plan is aligned with this specific objective as it is Territorial Defense in nature. In terms of strategic objectives, all PAF Flight Plan Strategic Objectives are contributory to that of the AFPTR.

29. Paano naaakma ang Flight Plan sa Armed Forces of the Philippines Transformation Roadmap (AFPTR)?

Ang Flight Plan Breakthrough Goal ay alinsunod sa “constituency perspective” ng AFPTR na “Capable of securing the country from aggression or invasion.” Ang Flight Plan ay alinsunod sa tiyak na layuning ito sapagkat ito ay pagpapatupad sa “mission area” ng AFP na “Territorial Defense.” Sa pangkalahatan, ang Flight Plan at ang nakapaloob na mga layunin nito ay hango at sumusuporta sa AFPTR.


30. How can continuity of the Flight Plan be attained?

The Flight Plan should transcend leadership changes. It should thrive regardless of who will be the next leaders of the organization. To ensure this, an executive group, who shall be the lead advocate of the Flight Plan, shall be formed in all PAF Units.

30. Paano makakamtan ang pagpapatuloy ng Flight Plan?

Nararapat na magpatuloy ang Flight Plan sa kabila ng pagbabago ng lideratura. Nararapat na maipagpatuloy ang mga adhikain kahit sinuman ang mga susunod na mamumuno sa organisasyon. Kabilang dito ay anf pagtatatag ng isang ehekutibong grupo na pangunahing tagapagtaguyod ng Flight Plan


31. What is your role in the PAF Flight Plan 2028?

It is obligatory that general awareness of the Flight Plan should first and foremost be attained. However, while it is important that all become aware of the Flight Plan, eventually, it is the primordial role of all PAF personnel to internalize the plan and gradually develop ownership of the plan itself.

All personnel in the PAF will play an important role, directly or indirectly, in the implementation of the Flight Plan. All PAF personnel must display the level of professionalism desired by the organization and appropriately reinforce this with the needed skills and competence in their assigned tasks.

31. Ano ang iyong tungkulin sa PAF Flight Plan 2028?

Una sa lahat, kinakailangan na ang lahat ay makamtan ang kaalaman tungkol sa Flight Plan. Maliban dito, ang lahat ng tauhan ay tungkulin na maisaloob ang plano at maintindihan na kailangan ding makabuo ng pagmamay-ari ang lahat sa mga plano ng Flight Plan.

Lahat ng mga tauhan ng PAF ay may gagampanang mahalagang tungkulin sa Flight Plan. Lahat ay dapat magpamalas ng mataas na antas ng propesyonalismo na naayon sa pamantayan ng organisasyon at matutunang gawin ang mga nakatalagang tungkulin na magtataguyod sa pangkalahatang kakayahan ng PAF.